WeKare

Pangangalaga sa Bahay
Pagmamalasakit
Kalidad
24/7 na Suporta

Naglo-load...

Kasama mo sa Pag aalaga

WeKare,
Ang inyong pinagkakatiwalaang kasama sa pag-aalaga

Mararanasan ang tunay na pangangalaga ng isang manggagawang Pilipino na may damdamin at pang unawa.

Bakit kami ang pipiliin?

Iyong tuklasin ang katangi-tanging kagalingan ng isang manggagawang Pilipino

Pangangalagang Propesyonal

Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo bilang mapag alaga,marunong makisama,masisipag at magaling sa trabaho.

Pananalitang Bilingguwal

Karamihan sa mga Pilipino ay nakakapagsalita ng Ingles, kaya mas madali ang makipag-usap habang nasa trabaho.

Kahusayan sa Serbisyo

Ang aming koponan ay nagdadala ng world-class na edukasyon, mahigpit na pagsasanay, at matibay na etika sa trabaho upang maghatid ng pare-pareho at mataas na kalidad na serbisyo.

Pang global na pamamaraan

Ang mga mamamayang Pilipino ay may katangitanging pagpapahalaga at paggalang sa pamilya, sa bayan and sa kapwa tao.

Ang aming serbisyo

Kami ay nagbibigay ng komprensibong serbisyo para punan ang inyong personal na pangangailangan at kakulangan ng tauhan sa inyong negosyo.

Serbisyong pang Personal at sa Pamilya

Gawaing Pang Bahay

Propesyonal na housekeeping na may mga serbisyo kasama ang paglilinis, paglalaba, pag-uutaw, pagluluto, pamimili, at pag-aalaga ng alagang hayop. Lahat ng aming mga kandidato ay may beripikadong karanasan at mga sanggunian sa serbisyong pantahanan.

Pag aalaga sa mga bata

Kwalipikadong tagapag-alaga na nag-aalaga sa iyong mga anak habang nagtatrabaho ka at humahawak ng mga pangunahing gawaing-bahay. Kasama sa mga serbisyo ang personal na pangangalaga, paghahanda ng pagkain, transportasyon sa paaralan, mga aktibidad sa labas, at pagsubaybay sa kalusugan.

Pangangalaga sa matatanda

Mapag arugang kamay sa mga matatandang miyembro ng pamilya, handang tumulong sa tamang oras ng pag inom ng gamot, pagtulong sa personal na pangangailangan, pagsama sa appointment sa doktor at kasama sa mahahalagang gawain sa bahay.

Trabahador na mag asawa o magka pareha

Isang koponan ng mag-asawa na nagtatrabaho nang full-time sa iyong tahanan. Ang asawang babae ay karaniwang humahawak ng mga gawain sa loob (paglilinis, pagluluto, paglalaba) habang ang asawang lalaki ay namamahala sa maintenance sa labas, pag-aalaga ng hardin, at mga serbisyo ng tsuper kung kinakailangan.

Hardinero at Handyman

Mga karanasang hardinero na nag-aalaga ng iyong mga espasyo sa labas, kasama ang pag-aalaga ng hardin, pag-aalaga ng pool, at pag-aalaga ng patio sa labas. Lahat ng kandidato ay may napatunayang karanasan at mga sanggunian.

Tsuper

Mga propesyonal na drayber para sa paghatid sa iyo o sa mga miyembro ng pamilya, pag-aasikaso ng mga mandado, at pagha-handle ng pamimili. Lahat ng aming mga tsuper ay may lisensya sa pagmamaneho sa Espanya at beripikadong karanasan sa mga katulad na posisyon.

Kamusta ?

AKO SI KAREN.

Ang pagmamalasakit sa aking kapwa ay napaka importante. Kung kailangan mo ng tulong sa pangangalaga sa bata,matatandang may sakit o pamamahala sa inyong tahanan narito ako para tumulong na may malasakit at serbisyong propesyonal.

Karen - Fundadora de WeKare

Ang paglalakbay na lumikha ng WeKare

Paano nagsimula ang WeKare

Lumaki ako sa Pilipinas,kung saan tinuruan ako ng aking mga magulang ng pagtityaga, kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa. Dahil sa layunin n makapag serbisyo sa iba , ako ay nag aral para maging nars- at itong aking pangarap ay nagbigay ng pagkakataon sa akin para mag ibang bansa.

Naglakbay ako para manirahan sa mga bansa ng Europa - ito ang nagmulat sa akin para lumikha ng makabuluhang koneksyon sa ibat ibang pamilya at lahi. Nang maglaon, pinili kong manatili sa bansa ng Espanya. Nag alaga ako ng mga bata at tinulungan ko ang bawat pamilya para mapagaan ang kanilang buhay.

Ang paglalakbay ni Karen - mga unang taon
Propesyonal na karanasan ni Karen

Dumating ang aking tunay na adhikain simula nang magtrabaho ako sa Nursing Homes - dito mas nagamit ko ang aking karunungan bilang isang nars at nadama ko ang tunay na pangangalaga para sa mga matatandang nangangailangan ng pag aaruga.

weKare: Pag-aalaga na may puso

Sa maraming taon ng aking paglalakbay bilang tagapag alaga,napagtanto ko na ang bawat indibidwal ay nangangailangan ng higit pa sa pagsama - kailangan din ng pang unawa, pakikiramay at isang taong tunay na may pagmamalasakit. Ang pagsasakatuparan na ito ay humantong sa akin para likhain ang WeKare, isang agensya na binigkis ng kasanayan,karanasan at malasakit.

WeKare ,ay hindi lamang para magbigay serbisyo,bagkus kami ay may dedikasyon,kabutihan at propesyonal. Ang aking adhikain ay magbigay ng tiwala at suporta sa mga tao at ito naman ay nararapat.

Si Karen na nagbibigay ng pangangalaga
Ang mapagmahal na pamamaraan ni Karen

Ito ang aking buhay bilang OFW - may tapang ,sakripisyo, and pagmamalasakit sa kapwa. Dito sa WeKare, ang pagmamahal at pagmamalasakit ang ating ibibigay.

Makipag-ugnayan sa amin

Narito kami upang sagutin ang inyong mga tanong at talakayin kung paano kami makakatulong sa pagsuporta sa inyo at ibigay ang inyong mga pangangailangan.

Tawagan Kami

+34 649 235 973

Mag-email Sa Amin

karen@we-kare.com

Bisitahin Kami

Av. Mare de Déu de Montserrat, 208, 08041, Barcelona, Spain

Sundan kami

contact.form.title

Magtrabaho sa amin

Sumali sa aming koponan ng mga dedikadong propesyonal na nagbibigay ng mga pambihirang serbisyo ng pangangalaga sa Pilipinas.

Samahan ang aming grupo

Sa weKare, naghahanap kami ng mga mapagmahal na propesyonal sa Pilipinas na masigasig sa paggawa ng kaibahan sa buhay ng mga tao.

Ang aming inaalok:

  • •
    Kompetitibong sahod at benepisyo
  • •
    Mga oportunidad sa propesyonal na pag-unlad
  • •
    Suportado at kolaboratibong kapaligiran ng trabaho
  • •
    Oportunidad na gumawa ng makabuluhang epekto

Kami ay naghahanap ng:

  • •
    Tagapag alaga ng mga bata,kasambahay,waitres, tagapaglinis ng hotel,tsuper at handyman.

Punan ang aplikasyon form para simulan ang inyong paglalakbay kasama ang WeKare ngayon!

Mag apply na